Isang Lalaki sa Cabagan, Isabela, Tiklo sa Pagnanakaw ng Piyesa ng Motorsiklo, Suspek Nasamsaman pa ng Droga!

267

*Cabagan, Isabela-* Bagsak sa kulungan ang isang lalaki matapos matiklo sa pagnanakaw ng piyesa ng motorsiklo sa brgy Cubag, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang natimbog na si Lawrence Ibañez Madrano, bente syete anyos, may asawa, tubong brgy Sta. Rosa, Bayombong, Nueva Vizcaya at kasalukuyang nakatira sa brgy. Cubag, Cabagan, Isabela.


Ayon sa pahayag ng bagong hepe ng PNP Cabagan na si Police Chief Inspector Noel Magbitang, Nahalata umano ng biktima na si Emma Brizuela David ang kakaibang galaw ng suspek kaya’t sinubaybayan niya ito hanggang sa maaktuhang nanguha ng isang piyesa ng motorsiklo at agad na umalis matapos nitong ilagay sa U-box ng kanyang motorsiklo.

Agad namang nagreport ang biktima sa kanilang himpilan na agad ring tinugunan ng mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Samantala, habang isinasailalim sa body search ang suspek ay nasamsaman ito ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Hawak na ng PNP Cabagan ang suspek na mahaharap sa kasong pagnanakaw at paglabag sa RA 9165 o Cmprehensive Dangerous Drugs Act.



Facebook Comments