Isang lalaki sa Taguig City, huli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga

51

Kulungan ang tuloy ng isang lalaking taga-Taguig matapos siyang mabilhan ng umano’y shabu ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakilala ang suspek na si Norodin Kasma Abdullah, alyas “Panday”, 47-anyos, residente ng Sanalugtas James Street, Brgy. New Lower Bicutan ng nasabing lungsod.

Nakuha mula sa kanya ang anim na maliliit na sachet na subject for selling at nagkakahalagang P30,056.

Maliban dito, narekober din ang P200 na perang ginamit bilang buy-bust money at isang cellphone.

Ginawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng Sanalugtas James Street, Brgy. New Lower Bicutan ng lungsod ng Taguig, pasado alas-6:40 kagabi matapos makumpirma ang iligal na transakyon ng suspek kaugnay sa ipinagbabawal na droga.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig Philippine National Police (PNP) Station custodial facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments