Isang lalaki sa Taguig City, huli sa aktong nagbebenta ng shabu

36

Hindi na pumalag pa ang isang lalaki sa Taguig City matapos itong maaktuhang ng mga awtoridad na nagbebenta ng iligal na droga sa isang buy-bust operation na ginawa pasado alas-5:00 kahapon ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Ely Flores Candelaria, alyas “Toto”, 43-anyos at residente ng Purok 5 Labao Extention, Barangay Napindan ng naturang lungsod.

Nakuha mula sa suspek ang 2.3 grams ng umano’y shabu, subject for selling at may katumbas na halagang P15,640 at P200 na ginamit bilang buy-bust money.

Ginawa ang nasabing operasyon sa lugar kung saan mismo nakatira ang suspek matapos makumpirma ang iligal na gawin nito kaugnay sa ipinagbabawal na droga.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig City Police Station custodial facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments