Isang lalaki sa Vietnam, 35 taon ng hindi nagpapaputol ng kaniyang kuko

81

Manila, Philippines – Sa Vietnam, isang 58-anyos na lalaki ang unti-unting nakikilala ngayon dahil sa haba ng kaniyang mga kuko.

 

Si Luu Cong Huyen, na residente ng Nam Dinh Province sa Yen Giao ay nakuhang magpahaba ng kuko sa loob ng 35 taon na kung saan aabot na ito sa habang 55 centimenters.

 

Kwento ni Luu Cong, hindi naging madali para sa kaniyang ang pagpapahaba ng kuko dahil nahihirapan siya sa iba’t-ibang gawain kaya’t mismong ang asawa nitong si Nguyen Thi Thuan ang umaalay sa kaniya tulad na lamang sa pagligo at pagkain maging sa pagkakamot.

 

Dagdag pa ni Luu Cong, hindi na din niya nakakatabi sa kama ang asawa dahil sa takot na maputol ang kaniyang mga kuko at hindi din daw siya papayag na ipagpalit sa pera ang itinuturing niyang yaman ng kaniyang buhay.

 

Pero, malayo pa ang gagawin pag-aalaga ni Luu Cong dahil kasalukuyang hawak ni Shridhar Chillal ng India ang record sa Guiness World na mayroong pinaka-mahabang kuko sa buong mundo na aabot sa 186.6 centimeter.



Facebook Comments