Isang lalaki, tinangay ang kotse at baril ng dati niyang amo sa Pasig

21

Pasig City, Philippines – Tinangay ng isang lalaki ang kotse at baril ng dati niyang amo sa Pasig City.

Sa kuha ng CCTV, makikitang pumasok sa car showroom si Chukie Reyes na pumasok sa isang car showroom na pag-aari ni Bernard Chua.

May susi si Reyes dahil dati siyang sales manager sa kumpanya ni Chua pero sinibak matapos magkaalitan.

Sa sumunod na video, pumasok si Reyes sa isang kwarto at kinuha ang isang susi ng kotse, lumabas sa parking at ipinark ang sasakyan sa tapat ng opisina.

Pagkatapos, pumasok muli ang suspek sa opisina at dumiretso muli sa kwarto kung saan pinagdiskitahan nito ang vault at kinuha ang isang briefcase na naglalamang ng 9 millimeter na baril.

Ayon kay Chua – nakatanggap siya ng text mula kay Reyes na pagbabantaan ang kanyang buhay.

Dagdag pa nito – may iba pang balak ang suspek.

Lumalabas ang suspek ng opisina bitbit ang 9-mm na baril saka umalis gamit ang kotseng pambenta ng kumpanya.

Nanawagan din ang may-ari na hindi na konektado si Reyes sa kumpanya.

Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.
DZXL558

Facebook Comments