Isang lalaking drug pusher, arestado sa buy-bust operation sa Muntinlupa City

27

Timbog ang isang lalaking nagtutulak umano ng ipinagbabawal na droga matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanya sa lungsod ng Muntinlupa.

Nakilala ang suspek na si Charlton Anthony De Vera Mejia, 40-anyos at residente ng Barangay Poblacion ng nasabing lungsod.

Nakuha mula sa kanya ang limang gramong umano’y shabu na may katumbas na halagang P34,000 at P200 na perang ginamit bilang buy-bust money.

Ginawa ang nasabing operasyon sa Type B NBP Reservation Barangay Poblacion sa nasabing lungsod pasado alas-2:00 ng hapon kahapon.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa PNP Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments