Isang lalaking tulak ng umano’y shabu sa Pasig, arestado sa buy-bust operation

30

Timbog ang isang lalaking tulak umano ng illegal na droga matapos ikasa ang buy-bust operation sa Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Lasor Tanael Sumilang, 36-anyos.


Nakuha mula sa suspek ang 14 na gramo ng umano’y shabu at nagakakahlaga ng P95,200.

Ginawa ang nasabing operasyon sa Block 4, Iluging Phase 1, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, matapos mabilhan ang suspek ng shabu na nagakakahalaga ng P500 ng isang pulis na nagpanggap poseur buyer.

Nakakulong na ang suspek sa Pasig City Police Station Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments