Isang lalaking tulak umano na ilegal na droga, arestado sa Makati City

36

Timbog ang isang lalaking nagtutulak at nagpapasok ng umano’y shabu sa lungsod ng Makati matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kaniya pasado alas-9:00 kagabi.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Lavidez Cruz, 36-taong gulang at residente ng bayan ng Pateros.


Nakuha mula sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na katumbas ang halagang P4,624.

Batay sa ulat ng Makati City Police Sub-Station 9, isang tawag ang natanggap nila mula sa isang concerned citizen at itinimbre ang ilegal na transakyon ng suspek sa Barangay Comembo ng naturang lungsod.

Napag-alaman din na ang suspek ang nagdadala ng ilegal na droga sa kaniyang mga parokyano na nakatira sa nasabing barangay.

Nakakulong na ang suspek sa Makati City Police Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Iillegall Drugs Act of 2002.




Facebook Comments