Isang leader ng communist terrorist group arestado sa Makati City

322

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Makati City Police ang isang leader ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) Kingdom of GF4A at Squad Uno na matagal ng wanted sa batas.

Ang suspek ay si Jefred Flores, 26 anyos, residente ng Barangay Kamagong, Nasipit, Agusan del Norte.

Si Flores ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Isah J. Echem-Tangonan ng Butuan City, sa kasong attempted multiple murder na may piyansang Php 120,000.00.


Ayon kay SPD Director BGen. Jimili Macaraeg, ang pagkaka-aresto sa tinaguriang leader ng communist terrorist group ay nagpapatunay na seryoso ang PNP para tugisin ang mga kriminal na nagtatago sa batas.

Facebook Comments