Isang linggong programa para sa pagdiriwang ng Press Freedom Week, sinimulan na

75

Cagayan De Oro, Philippines – Sinimulan na kahapon sa pamamagitan ng isang motorkada ang isang linggong programa para sa pagdiriwang ng ika tatlumpot-limang taong anibersaryo ng Press Freedom Week nitong lungsod.

Ayun kay Philip Jaudian ng Cagayan De Oro Press Club at overall chairman ng programa na ipinagdiriwang ng prensa nitong lungsod ang Press Freedom Week kasabay ng Press Freedom Month Celebration na ipinagdiriwang sa buong mundo bawat buwan ng Mayo.


Dagdag pa ni jaudian, na maraming aktibidad ang nakahanda para sa lahat ng miyembro ng prensa, kasama na ang local na pamahalaan nitong lungsod at lalawigan pati na ang ibang ahensya.

DZXL558

Facebook Comments