Isang lolo, nahuli sa drug buy bust operation sa lungsod ng Roxas

Roxas, Philippines – Arestado sa isinagawang drug buy bust operation ng Roxas City PNP ang isang lolo sa Barangay Banica, lungsod ng Roxas.

Nakuha sa pag-iingat ng 69 anyos na si Daniel Caldeo y Diestro alyas Danny ng nasabing barangay ang sampung sachet ng suspected shabu, notebook na naglalaman ng kanyang mga contact persons, 500 pesos na marked money at iba pa pang drug paraphernalia.

Napag-alaman na isa palang ex-convict ang nasabing suspek matapos mabilanggo ng 17 na taon sa New Bilibid Prison dahil sa pagtutulak din ng iligal na droga.


Sasampahan naman ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang nasabing suspek.

Facebook Comments