Isang lolo sa Japan, may pinakamalaking Hello Kitty collection

Manila, Philippines- Kilala si Hello Kitty bilang koleksyon ng mga batang babae pero iba ang trip ng isang 67 anyos na lolo sa Yotsukaido, Japan.

Ayon kay Masao Gunji, isang retired police officer – nagsimula siyang mangolekta ng Hello Kitty memorabilias tatlumpung taon na ang nakakalipas.

Kuwento pa ni Gunji, sa tuwing nakakakita siya ng Hello Kitty, parang gumagaan ang pakiramdam niya noong nasa serbisyo pa siya kung saan umabot pa sa puntong napapangiti siya kapag tinititigan niya sa Hello Kitty.


Inamin din ni gunji na ang pagkahumaling niya sa Hello Kitty ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagretiro sa pagiging pulis.

Ito aniya ay para mas marami siyang oras sa paghahanap ng iba pang hello kitty memorabilias.

Facebook Comments