Isang Malaysian national, bigong makapasok sa Pilipinas matapos harangin sa Bureau of Immigration

138

Manila, Philippines – Bigong makapasok ng Pilipinas ang isang Malaysian national matapos harangin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA.

Ayon kay B.I. Commissioner Jaime Morente – sakay nang Cebu Pacific ang suspek ang 41-anyos na si Paul Daniel Lim mula kota kinabalu nang harangin ito dahil sa paggamit ng pekeng passport.

Mismong ang dayuhan na ang umaming hindi kanya ang passport na nakapangalan sa isang Arry Bin Jong.


Nasa kustodiya na ng B.I. si Lim na napag-alamang wanted sa kasong estafa sa Malaysia.

Facebook Comments