Isang mangingisda nawawala, anim naman na-rescue sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Quinta sa Virac, Catanduanes

47

Patuloy na hinahanap ngayon ang isang mangingisda matapos mawala sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Quinta sa Virac, Catanduanes.

Kinilala itong si Joselito Quapeuprecua, 50 anyos, na kasama nang 6 na mangingisda na na-rescue sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo kaninang umaga.


Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), nitong October 21, 2020 nang pumalaot ang pitong mangingisda pero inabutan ng pananalasa ng Bagyong Quinta dahilan para lumubog ang kanilang sinasakyang bangka pasado alas-7:00 ng umaga kanina.

Nakalangoy ang anim na magingisda at natagpuan na lamang sa dalampasigan ng Brgy. Talisoy at Brgy. Balite.

Sila ay may mga edad mula 21 anyos hanggang 35 anyos.

Nagpapatuloy ang search and rescue operation sa kanilang kasamahang nawawala habang nanatili sa Virac MPS ang mga na-rescue.




Facebook Comments