Isang “Mark,” may inilagay sa inumin ni Christine Dacera

4377

Isiniwalat ng isa sa kaibigan ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera na may isa sa kanilang kasamahan ang may inilagay sa inumin ng biktima.

Ayon kay Rommel Galido, isa sa mga respondents sa kaso, inilahad sa kanya ni Christine na parang may nararamdaman siya matapos may inilagay sa kanyang inumin.


Dito tinanong ni Galido kay Dacera kung sino ang naglagay at sinabi na lamang sa kanya ng biktima ay “Mark.”

Pero pinawi ni Galido ang pangamba ni Dacera.

Nang tanungin si Galido kung sino ang Mark – tinukoy niya ito na si Mark Anthony Rosales.

Iginiit ni Galido na hindi sila naka-droga at handa silang magpa-drug test.




Sinabi naman ng isa pang respondent sa kaso na si Clark Rapinan, na matindi ang pagsusuka ni Dacera ilang oras bago siya natagpuang wala nang buhay sa bathtub.

Sina Galido, Rapinan, Valentine Rosales at JP Dela Serna III ay inaming marami silang nainom na alcohol noong party gaya ng tequila at vodka.

Mariin ding itinanggi ng mga respondents sa kaso na may nangyaring foul play sa pagkamatay ni Dacera.

Sagot naman ng ina ng biktima na si Sharon Dacera sa pahayag ng tatlong suspek na pinalaya ng Makati Prosecutors Office, “eh di wow!”

Sina Dela Serna, Galido at John Paul Halili ang pinalaya ng prosecutor office dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Facebook Comments