Isang massage Parlor na ‘Front’ ng Prostitusyon sinalakay ng PNP at City Government sa San Juan City, 5 nasagip

68

Pinangunahan nina San Juan City Mayor Francis Zamora at City Police Chief P/Col. Jaime Santos ang pagsalakay sa Zara Wellness SPA Massage and Skin Care sa kanto ng N. Domingo at De Tavera Streets, San Juan City pasado alas diyes ng gabi kagabi.

Agad na ipinad-lock ang nabanggit na spa matapos makumpirma ng pulisya ang impormasyon na hindi lang basta masahe kundi nakikipagtalik sa mga kostumer ang mga babaeng Attendant sa halagang 2-libong piso.


Sa isinagawang operasyon, nasagip ng mga otoridad ang 3 babaeng masahista, isang miyembro ng LGBT at isang 18-anyos na lalaki.

Sabi ni P/Col. Santos, gagamitin nilang ebidensya ang kuha sa Surveillance Video na nakikipag-sex ang ginamit na Asset ng pulisya sa isang 28-anyos na spa attendant.

Dahil dito ay hinikayat ni Mayor Zamora ang mga residente ng lungsod na isumbong sa kanilang tanggapan ang kahalintulad na Establisyemento na nakakalusot ang operasyon.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa ra no. 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 laban sa may-ari ng Wellness SPA na kinilalang si Wendy Polintan Dolor.

Facebook Comments