Isang maswerteng jobseeker, nagkaroon ng trabaho sa tulong ng DZXL Radyo Trabaho

28

Muli nanamang nakapagbigay ng trabaho ang DZXL Radyo Trabaho.

Ito ay si Bethoven Buenaobra Jr., ng Caloocan City na halos tatlong taon nang naghahanap ng mapapasukang hanapbuhay.

Sa interview ng Usapang Trabaho, ibinahagi ni Bethoven na may isa siyang kakilala na nagrekomenda sa kaniyang magtungo sa himpilan ng DZXL para sumubok na mabigyan ng trabaho.


Dito ay agad na binigyan ng referral letter si bethoven ng RT Team sa isang agency na partner ng DZXL na Anytime Cleaners.

Laking tuwa naman ni Bethoven na natanggap siya bilang housekeeper at sa ngayon ay nagsisimula na siya bilang reliever mula noong nakaraang linggo.

Kaya sa mga gustong maghanap ng trabaho at nahihirapan lalo na ngayong pandemic, makinig lamang sa mga programa ng DZXL Radyo Trabaho at baka ikaw na ang susunod na maswerteng mabibigyan ng trabaho.



Facebook Comments