Isang mataas na opisyal ng gobyerno, nag-oorganisa umano ng troll farm na maninira sa mga kritiko ng administrasyon

30

Ibinunyag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na isang undersecretary ang nag-oorganisa umano ng mga troll farm na maninira sa mga kritiko ng administrasyon at sa posible nitong makalaban sa 2022 elections.

Sabi ni Lacson, target ng nabanggit na mataas na opisyal na magtayo ng dalawang troll farm sa bawat probinsya.


Sa pagkakaalam ni Lacson ay pupuntiryahin umano ng troll farm ay hindi lang laban sa mga bumabatikos sa administrasyon kundi pati sa mga hindi nito kaalyado.

Nalaman ito ni Lacson mula sa dating myembro ng kaniyang staff na nilapitan umano ng undersecretary.

Umaasa si Lacson na hindi ito sanctioned ng Malacañang at sa tingin naman ni Lacson ay posibleng masigasig lang ang nabanggit na opisyal na magpakitang-gilas.

Dahil dito ay nananawagan si Lacson na itaas ang diskurso kapag eleksyon at huwag idaan sa siraan, pera at entertainment dahil sa huli ay buong bansa ang magdurusa.



Facebook Comments