Isang matandang babae at apo nitong nasawi sa sunog sa Mandaluyong, iki-cremate na ngayong araw

46

Nakatakda nang i-cremate ngayong araw ang mag-lolang nasawi sa sunog sa isang residential area sa Barangay Addition Hills Mandaluyong City.

Nakilala ang mga biktima na sina Pacita Lamak, 55 taong gulang at ang apo nitong babae na 13 taong gulang.


Kasalukuyang nasa Garden of Life Park ng Mandaluyong ang mga labi ng mag-lola para isagawa ang cremation sa kanilang mga labi.

Kaninang alas-12:50 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog mula sa bahay na ginawang patahian na nakatayo sa boundary ng Barangay Plainview at umabot sa boundary ng Blk. 39 ng Barangay Addition Hills kung saan nadamay ang bahay ng mga biktima.

Ayon sa Mandaluyong Fire Protection, natutulog ang mag-lola sa ikatlong palapag ng kanilang bahay dahilan kaya nahirapan silang ma-rescue ang mga biktima.

Naapula ang apoy pasado ala-1:00 na ng madaling araw na umabot lamang sa unang alarma, kung saan tatlong bahay ang tinupok nito at hanggang ngayon patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring sunog.




Facebook Comments