Isang mayor sa Maguindanao, patay matapos pagbabarilin sa Maynila

243

Patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek ang alkalde ng Sultan Sumagka sa Maguindanao sa Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente alas-10:12 ng gabi sa entrance mismo ng Mannra Hotel sa may Quirino Avenue kanto ng Leveriza Street.


Kababa lamang sa sasakyan ng biktima na si Mayor Abdul Wahab Sabal kasama ang kaniyang misis na si Mohana Sabal at bodyguard na pulis na si Corporal Alwal Guimad at habang nag-aayos sila ng kanilang gamit ay isang suspek sa kabilang side ng kalsada ang pinaputukan ang alkalde habang nasa likurang bahagi ng kanilang sasakyan na may plate number na MFN-566.

Tatlong beses na tinamaan ng suspek si Mayor Sabal saka mabilis na tumakas sakay ng hindi pa mabatid na sasakyan.

Dead on the spot ang biktimang alkalde kung saan hindi na naabutan pa ng security ng hotel ang suspek.

Inaalam na ngayon ang motibo sa krimen habang nire-review na din ng malate police station-9 ang kuha ng CCTV ng hotel para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek kung saan isang basyo ng bala ng m-16 ang natagpuan sa kabilang bahagi ng kalsada.

Facebook Comments