Isang miyembro ng Abu Sayyaf, patay sa nagpapatuloy na sagupaan sa Patikul, Sulu

Nagpapatuloy ngayon ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng Joint Task Force Sulu at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Ronaldo Mateo, ang tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu.

Aniya, grupo nina ASG Leader Radulan Sahiron at Mundi Sawadjaan ang naka-engkwentro ngayon ng mga sundalo sa Sulu.


Batay sa huling ulat ni Mateo, isang Abu Sayyaf na ang nasawi sa nagpapatuloy na sagupaan.

Matatandang ang grupo nina Mundi Sawadjaan ang umano’y responsable sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kamakailan na ikinasawi ng 15 katao kabilang na ang ilang sundalo.

Facebook Comments