ISANG MIYEMBRO NG LGBT COMMUNITY, NAGTAPOS NG KOLEHIYO BILANG CUM LAUDE

18
Si Phoebe Mnemosyne Castro, 22 taong gulang na tubong Asingan, Pangasinan ay nakapagtapos ng kursong Forensic Accounting sa University of the Cordilleras bilang isang Cum Laude.
Ayon sa kanya, pamilya ang kanyang naging inspirasyon lalo na’t ang kanyang ina lamang ang tumulong sa kanya upang makapagtapos ng pag aaral. Dagdag pa niya, nais na niyang magpahinga muna ang kanyang ina sa pagtatrabaho sa ibang bansa kung kaya’t siya rin ang susunod na nagtatrabaho para sa kanyang pamilya.
Inialay din niya ang tagumpay na ito sa kapwa niya miyembro ng LGBT Community sa bayan ng Asingan. Aniya nito, huwag nilang pakikinggan ang mga sinasabi ng iba.

Hindi porket LGBT ay wala ng magagawa para sa komunidad. Walang mahirap basta may pangarap. | ifmnews
Facebook Comments