Isang negosyanteng babae, nasalisihan sa loob ng bar sa QC

58

Manila, Philippines – Nanlulumong dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang negosyanteng babae matapos na masalisihan sa loob ng Guilly’s Bar na matatagpuan sa Tomas Morato Street kanto ng Eugenio Lopez Street Brgy. South Triangle QC.

Kinilala ang biktima na si Melody Detera 29 anyos residente ng Crownpeak Cubi Subic Bay Freeport Zone Zambales.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya pumasok ang biktima kasama ang limang mga kaibigan sa naturang Bar at inilapag nito ang kanyang shoulder na may lamang sampung libong pisong cash, susi sa kotse, make up kit damit at iba pang mga mahahalagang dokumento makalipas ang ilang minuto nang tinangnan niya ito laking gulat nalamang ng negosyante ng matuklasang nito wala na ang kanyang shoulder bag.

Inimbestigahan na ng pulisya ang naturang insidente at tiningnan na rin ang CCTV pero malabo ang kuha sa loob ng naturang bar.
DZXL558, Silvestre Labay

Facebook Comments