Isang OFW at laborer, sinampahan ng kasong Concubinage sa Marikina City

Kalaboso ang kinahinatnan ng isang OFW at isang laborer matapos na sampahan ng kasong Concubinage ng isang ginang nang maaktuhang magkasama sa iisang bubong sa loob ng No. 36D Rodiana Compound 3, Brgy. Parang, Marikina City.

Sina Leo Rebellion, 41 anyos, may asawa at live-in nitong si Darlyn Otayde, 42 anyos at may asawa ring isang OFW ay kinasuhan ng kasong Concubinage ni Aileen Rebellion, 41 anyos, asawa ni Leo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, matagal na umanong naramdaman ni Aileen na ang kanyang mister na si Leo ay mayroong ibang babae dahil sa nagbago na ito at ang mga kinikilos ay iba aniya sa dati nitong ginagawa.


Mayroong nakapagsabi sa complainant na ang kanyang mister ay may kinakasamang ibang babae at nangungupahan sa Rodiana Compound Barangay Parang, Marikina City kaya’t agad siyang humingi ng assistance sa mga  police at  Brgy. Tanod ng Brgy. Parang at pinuntahan nila ang lugar para maaresto ang kanyang mister at kabit nito.

Pagdating sa lugar, pasado alas 3:00 ng madaling naaktuhan mismo ni Aileen na ang kanyang mister kasama ang mistress ay nasa iisang bubong lamang sa inuupahan nilang bahay kaya’t agad na dinampot ng pulisya at dinala sa himpilan ng pulisya upang imbestigahan.

Facebook Comments