Takot at pangamba, ‘yan ang nararanasan ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Pacheco sa bansang Qatar bunsod ng patuloy na tensyon sa gitnang silangan.
Sa bansang Qatar, hindi pa rin matigil-tigil ang pagsabog ng mga missiles sa US Base na nakatalaga roon kaya’t halos hindi umano makatulog ang ilan sa mga OFW doon.
Ani Mary Jane, nangangamba siya dahil sa naging anunsyo ni PBBM na tumuloy muna sa mga bomb shelter ang mga OFW, ngunit sila ay Shelter in Place lamang.
Panawagan nito sa Pamahalaan, na sana matutukan din sila at magkaroon ng konkretong plano para sa kanila, kahit na hindi sila nasa sentro ng digmaan.
Nang mabalitaan naman nito ang pagkakasawi ng kapwa nito Pangasinense, ibinahagi pa rin nito ang kanyang dedikasyon na maalagaan ang kanyang pasyente at hindi ito iwan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










