Isang opisyal ng PNP – huli sa pagsalakay sa isang pot session sa Las Piñas City; PNP Chief Dela Rosa – may banta sa nasabing opisyal

Manila, Philippines – Kinompronta ni PNP Chief. Gen. Ronald Dela rosa ang opisyal ng pulisya ang naaresto sa isang pot session sa Everlasting Homes, Talon 4, Las Piñas City.

 

Kinilala ng Southern Police District ang suspek na si P/Supt . Lito Dumandan Cabamongan, nakatalaga bilang hepe ng Alabang Satelite Office ng PNP Crime Laboratory Service.

 

Sa galit, hindi naiwasang pagbantaan ni Dela Rosa si Cabamongan sakaling magpositibo ito sa illegal drugs.

 

Nabatid na nakatanggap ng report ang PCP station 6 ng Las Piñas sa isang concerned citizen hinggil sa on-going pot session sa lugar kung kaya rumesponde ang pulisya at doon naaktuhan ang police colonel.

 

Nakumpiska sa suspek ang 4 na plastic sachets na naglalaman ng shabu, 2 disposable lighters at 3 aluminum foil.

 

Kasamang naaresto ng police official ang isang babaeng nakilalang si Nedy Acompanado Sabdao na residente ng nabanggit na lugar.





Facebook Comments