Isang paaralan sa Boracay, nabulabog ng false bomb threat

Boracay – Nabulabog ang isang paaralan sa isla ng Boracay kahapon dahil sa false bomb threat na nagdulot ng takot at pagpanic ng mga estudyante ag mga magulang.

Sa report ng Boracay PNP na nakatanggap sila ng tawag na may bomb threat di-umano sa Manocmanoc Elemenentary School.

Agad na nagresponde sa lugar ang bomb squad at mga pulis para alamin ang report at dinala sa police station ang isang misis na itinuturong nagbiro di-umano.


Itinanggi naman ito ng nasabing misis at sinabing nagtanong lang siya sa mister niya kung totoong may bomb threat sa Boracay dahil hindi daw sila pinapapasok sa school.

Tumawag din naman ang mister sa kanyang mga kakilala kung totoo ang nasabing impormasyon hanggang sa kumalat na ang kwento at nakarating sa mga otoridad.

Nilinaw ng Boracay PNP na walang bomba sa Boracay at pinapaalalahanan ang lahat na agad na itawag sa police ang ano mang impormasyon o tanong at huwag sa mga sibilyan dahil baka magdulot lang ng panic kagaya ng nangyayari.

Facebook Comments