Isang Pamilya na Nasunugan ng Tirahan, Tinulungang Magkabahay

27

Cauayan City, Isabela- Malaki ang pasasalamat ngayon ng isang pamilya na nasunugan ng bahay dahil sa tulong ng mga kapulisan sa pagpapatayo ng kanilang bagong tirahan sa Brgy. Zamora Cabarroguis, Quirino.

Nasunugan ng tirahan ang pamilya ni Ginang Melinda Agaloos nitong Mayo 13, 2021 na pagmamay-ari ni Ginoong Lito Cacayan.


Agad na tumugon at nagkaisa ang mga kapulisan ng Cabarroguis Police Station at nagpaabot ng tulong gaya ng construction materials, mga pagkain at manpower para sa muling pagpapatayo ng bahay ni Ginoong Cacayan.

Katuwang ng pulisya ang PHESCO Incorporation sa pagbibigay ng tulong para sa pagtatayo ng bahay.

Ang inisyatiba ay bahagi ng PNP Lingkod Bayanihan na programa ni PBGen Crizaldo Nieves, Regional Director ng PRO2 at ng Quirino PPO sa pamumuno ni PCol Rommel Rumabaoa.

Magsisilbi umano itong inspirasyon sa pamilya ni Agaloos para sa kanilang muling pagbangon at makapagsimulang muli.



Facebook Comments