Isang pamilya sa Gensan, nalason dahil sa pagkain ng mushroom

228

General Santos City – Patuloy pa na ginagamot ngayon sa Dr. Jorge Royeca Hospital ang isang pamilya matapos silang nalason ng mushroom.

Kinilala ang mga biktima na sina Arnel Obas, 41, Casandra Obas, 1yr old, Gemma Reponte, 53, Jenny Reponte, 24 at Jenny Rose Reponte, 17, parehong residente ng Park 10, Barangay Katangawan, Gensan.

Sinabi ni Arnel Obas na siya ang nagluto ng mushroom na kanyang nakuha malapit sa kanilang bahay, nilagyan niya ito ng sardinas.


Alas 8:00 kagabi ng pinagsaluhan ng buong pamilya ang nasabing ulam, pero pagkatapos ng dalawang oras, biglang sumakit ang kanilang tyan at sila’y nag susuka.

Agad naman silang dinala ng kanilang kapitbahay sa pagamutan.

Walang ibang tinuturong dahilan si Obas sa kanilang pagkalason kondi ang nilutong mushroom.



Samantala, ligtas na ang mga biktima at nagpapagaling nalang sa pagamutan.

Facebook Comments