Isang pamilya sa Scotland, patuloy na naghahanap ng yaya na titira sa kanilang haunted house

97

Manila, Philippines – Isang pamilya ang may kakaibang offer sa mga nagnanais na maging yaya ng kanilang dalawang anak.

Sa advertising post ng hindi na nagpakilalang pamilya, babayaran nila ang yaya ng $64,000 (P3,189,440.00) kada taon para asikasuhin ang kanilang mga anak na may edad 5 at 7 years old.

Dagdag pa ng mag-asawa sa post, limang yaya na ang umalis sa kanila dahil pare-pareho daw minumulto sa tinitirhan nilang bahay na kilala bilang isang haunted house sa kanilang bayan sa Scotland.

Kaya naman, malaki na ang kanilang offer kasama na ang libreng isang kwarto na may sariling bath tub at kitchen, maging ang mga holidayas ay kanila ding babayaran.

Sa ngayon, wala pa naman pumapatol sa post ng mag-asawa pero umaasa sila na magkakaroon na din ng yaya ang kanilang mga anak dahil naaabala sila sa kanilang trabaho.

Facebook Comments