π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—˜π—‘π—¦π—˜, π—‘π—”π—¦π—¨π—‘π—šπ—žπ—œπ—§ π—”π—‘π—š 𝗧𝗒𝗣 𝗦𝗣𝗒𝗧 𝗦𝗔 π—žπ—”π—§π—”π—§π—”π—£π—’π—¦ π—Ÿπ—”π— π—”π—‘π—š 𝗑𝗔 π—™π—œπ—¦π—›π—˜π—₯π—œπ—˜π—¦ π—§π—˜π—–π—›π—‘π—’π—Ÿπ—’π—šπ—œπ—¦π—§ π—Ÿπ—œπ—–π—˜π—‘π—¦π—¨π—₯π—˜ π—˜π—«π—”π— π—œπ—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗙𝗒π—₯ 𝗣π—₯π—’π—™π—˜π—¦π—¦π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿπ—¦, π—žπ—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—œπ—‘

Bright at smart nga naman talaga ang mga Pangasinense dahil nasungkit ni idol Adrian Cayabyab Dela Cruz ang pagiging top 1 sa katatapos lamang na October 2023 Fisheries Technologist Licensure Examination for Professionals ngayong taon. Batay sa kalalabas lang na resulta nitong nakaraang araw ay nanguna nga ang isang kabayan natin.
Si Adrian ay nagtapos sa Pangasinan State University sa Binmaley Campus. Siya ay tubong Barangay Caloocan Sur sa nasabing bayan. Labis na ikinatuwa ng mga Binmalenians at buong PSU family ang kanyang tagumpay.
Inanunsyo nga ng Professional Regulation Commission o PRC ang 716 passers out of 2,214 examinees at si Adrian, bilang topnotcher ay nakakuha ng 87.5 percent. Tila nga maagang regalo na ang tagumpay na ito para kay Adrian dahil sa kanyang pagsisikap at pagfocus sa kanyang pag-aaral. Kaya naman, mula rito sa IFM DAGUPAN, Congratulations idol! |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments