Isang pari, ginagamit ang TikTok sa pagpapakalat ng inspirasyon at salita ng Diyos

47

Ngayong marami sa atin ang higit isang taon nang stay at home ay isang pari ang nakaisip na gamitin ang social media app na tiktok sa pagpapakalat ng “essential” food for the soul na salita ng Diyos.

Sa interview ng RMN Manila, ikinwento ni Fr. Fiel Pareja, assistant parish priest ng Immaculate Conception Parish sa Angeles City na ginagamit niya ito para magbigay ng inspirasyon sa mga followers at iba pang mga nakakapanuod ng videos.


Ayon kay Fr. Fiel, sa bawat isang minutong video ay pinagkakasya niya ang mga reflection, mensaheng nagbibigay ng motibasyon, salita ng Diyos at mga panalangin.

Layunin aniya ng ganitong mga content na mailapit sa mga social media users kagaya ng mga kabataan ang mga inspirational words ngayong nasa gitna pa rin tayo ng pandemic.

Facebook Comments