
Isang 38 anyos na lalaking negosyante mula sa Quezon City ang nahulihan ng baril sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group Director, PBGen. Christopher Abecia, patungo sana ng Singapore ang pasahero nang mahulihan siya ng Caliber 40 at magazine.
Nabigo rin ang pasahero na magprisinta ng mga dokumento.
Ikinatuwiran din daw nito na laruan niya lamang ang baril.
Bunga nito, hindi na nakasakay ng eroplano ang pasahero dahil kailangan siyang i-detain at imbestigahan.
Ang naturang negosyante ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at Omnibus Election Code.
Facebook Comments