Saturday, June 13, 2026

Isang patrolman, sinibak sa pwesto matapos mapatunayang guilty sa panggagahasa

Sinibak sa serbisyo ng National Police Commission o NAPOLCOM si Patrolman Joshua S. Mendoza matapos lumabas sa imbestigasyon na liable ito sa Grave Misconduct at Conduct Unbecoming of a Police Officer dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8353 o Anti-Rape Law of 1997.

Sa desisyon ng Commission En Banc, napatunayang guilty si Mendoza sa panggagahasa sa isang walang malay na babae, base sa mga nakalap na substantial evidence gaya ng mga testimonya ng witness, resulta ng medico-legal, CCTV footage, at consistent at corroborated na account ng complainant.

Samantala, pinawalang sala naman si Patrolman Jehan A. Mendoza, kabilang din sa reklamo, dahil wala umanong sapat na ebidensyang nag-uugnay sa kaniya at sa nasabing krimen ayon sa komisyon.

Samantala, mariin namang iginiit ni NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan na walang lugar sa pulisya ang sinumang gumawa ng ganitong uri ng krimen at hindi aniya nila ito palalampasin, lalo’t trabaho umano ng pulisya na protektahan ang karapatan ng bawat isa, at hindi ang abusuhin ito.

Facebook Comments