Isang Pinay, hinalay ng isang Kuwaiti police – DFA

83

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pinay na nagtungo sa Kuwait ang hinalay ng isang pulis na umalalay sa kaniya sa airport.

Ayon sa DFA, nagpalabas na ng warrant of arrest ang Kuwaiti authorities para maaresto ang pulis na si Fayed Naser Hamad Alajmy, 22-anyos.


Sa ulat ni Embassy Chargé D’affaires Mohd Noordin Lomondot sa DFA, inalalayan umano ni Alajmy ang biktimang Pinay sa finger scanning registration sa airport nang dumating ito sa Kuwait noong June 4.

Kinalaunan ay dinukot umano ni Alajmy at hinalay ang biktima.

Tiniyak rin ni Lomondot, na nakikipagtulungan din sa embahada at sa mga awtoridad ang amo ng Pinay.

Kasabay nito, tiniyak naman ng DFA na maibibigay ang hustisya sa biktima.

Facebook Comments

From Advertisers