ISANG PINTOR, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA SAN CARLOS CITY

Arestado ang isang singkwenta’y-uno anyos na pintor matapos itong mahulihan ng hinihinalang shabu sa isang buy bust operation sa lungsod ng San Carlos.
Ang suspek ay nakilalang si Rolando Caranto, residente ng bayan ng Malasiqui.
Ikinasa ang buy bust operation pasado alas-singko ng hapon sa Brgy. Baldog, San Carlos City na nagresulta sa pagkumpiska sa suspek ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments