Isang presidential aspirant, sa yate gumagamit ng cocaine – Pangulong Duterte

Muling sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na totoong may isang presidential aspirant na gumagamit ng cocaine.

Sa kaniyang talumpati kahapon, ipinaliwanag ng pangulo na hindi agad mahuhuli ang mga ito dahil sa yate sila gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa pangulo, ito ang dahilan kung bakit hindi agad sila pwedeng hulihin lalo na’t mayaman aniya ang nasabing presidential aspirant.


Kahapon, sumailalim sa voluntary drug test ang tandem nina Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III at nagnegatibo ang kanilang resulta.

Facebook Comments