Isang pribadong hospital sa lungsod ng Maynila, nasunog

53

Inabot lamang ng unang alarma ang sunog na nangyari sa isang pribadong hospital sa lungsod ng Maynila.

Partikular na nangyari ang insidente sa Hospital of Infant Jesus Medical Center na matatagpuan sa kanto ng Laong Laan Street at Lacson Avenue.

Sa paunang imbestigasyon ng Manila Fire Department, nagsimula ang sunog ng alas-4:44 ng umaga kung saan idineklara itong fire under control ng alas-5:48 ng umaga.


Mabilis na nailabas ang mga pasyente sa loob ng nabanggit na hospital kung saan inilipat sila pansamantala sa isang fast food chain na katapat nito lalo na’t kakaunti lang naman ang kanilang bilang.

Maging ang mga tauhan ng nasabing hospital ay ligtas ding nailabas habang patuloy na inaalam ang pinagmulan ng insidente.

Pansamantala namang isinara sa motorista ang kahabaan ng Laong Laan partikular sa Dangwa dahil sa ginawang pagresponde ng mga bumbero.



Facebook Comments