Nagsagawa ng high-risk law enforcement operation ang Philippine National Police (PNP) kasama ng iba pang operatiba para mahuli ang most wanted na indibidwal sa Maguindanao Del Norte.
Layon ng nasabing operasyon na maisyuhan ng warrant of arrest ang suspek na may malubhang krimen kagaya ng Illegal Possession of Firearms and Explosives at Resistance to a Person in Authority.
Sa isinagawang operasyon, ang mga kapulisan ay naharap sa isang armadong pakikipaglaban na nagdulot sa pagkakasugat ng tatlong myembro ng operasyon.
Kalaunan ay narekober sa lugar ang mga high-powered firearms, isang caliber .45 pistol, at mga gamit na konektado sa droga.
Sa ngayon, nakalabas na sa ospital ang pulis habang ang dalawang marino ay nasa ospital pa rin.
Tiniyak naman ng PNP na mabigyan ng kaukulang tulong ang mga nasabing sugatan at ang patuloy na pagsagawa ng operasyon para mahanap pa ang iba pang sangkot sa nasabing insidente.









