Isang pulis, patay dahil sa tinamong bala sa dibdib matapos makipagbakbakan sa isang drug suspek sa Maynila

113

Manila, Philippines – Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Center si SP01 Randy Lebrilla na nakatalaga sa station 8 Anti-Illegal Drug Unit ng MPD dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib matapos na makipagsagupa kagabi sa isang drug suspek sa Islamic center sa Maynila.

Inoobserbahan naman sa sa Mary Chiles Hospital si P01 Mark Pineda na nagtamo ng tama sa dibdib.

Pasado alas nueve kagabi nang magkasa ng operasyon ang Anti-Illegal Drug Unit ng police station 8 ng MPD sa #213 Matanos St., Barangay San Miguel.

Target ng operasyon ang isang Kodeng Makabato alias berdugo.

Pero nang makapasok na ang operatiba sa bahay ni alias Berdugo, dito na nagkapalitan ng putok na sanhi para mapatay din si Makabato.

Narekober sa lugar ang nasa 20 basyo ng bala, kalibre 45 na pag-aari umano ni Macabato, at drug paraphernalia.

Si Codeng Macabato ay pamangkin ni Barangay Chairman Faiz Macabato ng Barangay 648 na napatay din sa operasyon kontra iligal na droga sa parehong lugar noong Oktubre ng nakaraang taon.
DZXL558

Facebook Comments