Isang pulis, patay habang 3 sugatan – sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng mga pulis at sundalo kontra NPA sa San Nicolas, Pangasinan

San Nicolas, Pangasinan – Isang pulis na ang patay habang tatlo ang sugatan sa nangyaring sagupaan sa boundary ng Barangay Sta. Maria at Barangay Malico sa San Nicolas, Pangasinan.

Ito ang kinumpirma ni San Nicolas Chief of Police Chief Insp. Arnold Soriano.

Tumutulong na rin aniya ang tropa ng 84 IB ng Philippine Army sa ginagawang follow up operation ng RPSB 1.


Naka-full alert na rin ang mga karatig lugar sa San Nicolas, Pangasinan.

Alas 9:30-ng umaga ng magkasagupa ang tropa ng RPSB at mga miyembro ng NPA.

Facebook Comments