Isang pulis patay matapos pagbabarilin sa QC

Patay si Police Staff Sgt. Fernando Diamzon matapos pagbabarilin sa Barangay Bagong Lipunan, Quezon City.

Ayon sa mismong kasamahan ng biktima na si Police Senior Master Sgt. Ernesto Bueviaje, katatapos lang ng kanilang duty at pauwi na sana ng Maynila pasado alas 8:50 ng umaga nang dikitan ang kanilang motor na minamaneho ng magka-angkas na motor riding suspects.

Anim hanggang pitong beses na pinaputukan ng mga suspek si Diamzon na nagresulta para bawian ito ng buhay.


Hindi pa alam ang motibo sa pamamaslang pero posible umanong may kinalaman ito sa trabaho.

Si Diamzon ay nakatalaga sa PNP Intelligence Group.

Tinitiktikan umano ang biktima papalabas ng Crame.

Susuriin ng otoridad ang CCTV sa lugar.

Facebook Comments