Isang pulis sa Quezon City, nahaharap sa patong-patong na kaso matapos bugbugin at ikulong ang isang lalaki

Manila, Philippines – Nahaharap sa patong-patong na kaso ngayon ang isang opisyal ng Quezon City Police District matapos nitong bugbugin at ikulong ang isang lalaki.

 

Tinanggal na sa kaniyang pwesto ang nasabing pulis na si Chief Inspector Melvin Madrona na kitang-kita sa CCTV footage na binubugbog ang biktima na nakilala sa pangalang David, isang marine engineer matapos niya itong makasagutan dahil sa away-trapiko.

 

Nahaharap si Madrona sa kasong physical injuries, arbitrary detention, grave threat, at grave coercion kung saan kapag napatunayan ay maari din itong maharap sa kasong administratibo.

 

Kasalukuyan naman nasa Quezon City District Headquarters sa Camp Karingal si Madrona habang nag-aantay ito ng resulta sa inihaing reklamo laban sa kaniya.



Facebook Comments