Isang residential area sa Makati, nasunog

Makati – Nasunog ang isang residential/ commercial area sa Finlandia Street, Brgy. San Isidro, Makati City.
Nagsimula ang apoy pasado alas-12:00 ng madaling araw sa isang laboratory clinic na inuupahan ni Dr. Simeon Romua.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga unit kung saan nadamay ang lima pang apartment na katabi nito.
Inabot nang ikalawang alarma ang nangyaring sunog at tuluyang na-fire out bago mag-ala 1:00 ng madaling araw.
Patuloy naman ang imbestigasyon Makati Bureau of Fire Protection para malaman ang halaga ng mga ari-ariang natupok habang wala naman naitalang nasugatan sa insidente.

Facebook Comments