Isang resort sa Maldives, nago-offer ng ‘turtle internship’

Naghahanap ng interns ang Coco Palm Dhuni Kolhu resort para sa gaganaping dalawang linggong internship sa Olive Ridley Project Marine Turtle Rescue Centre.

Ang gagawin lamang ay magpo-post ng content sa instagram at matuto sa mga veterinarian.

Kasama na rito ang pagpapakain sa mga pagong, pago-obserba sa mga surgery at medical procedures, pagdalo sa mga rescue mission na mangongolekta ng mga pagong na ma’y pangangailangan at pagpapalaya sa mga pagong pabalik sa karagatan.


Kasama na rin dito ang pakikisalamuha sa mga bisita at pagbibigay ng impormasyon.

Ang mga mapipiling intern ay magkakaroon ng libreng flight, akomodasyon, pagkain sa programa.

Libre rin ang dolphin watching, sunset cruise, diving at snorkeling sa reef ng Baa Atoll.

Facebook Comments