Isang RoRo, nasunog sa karagatan ng Batangas

373

Isang pampasaherong RoRo vessel ang nasunog habang naglalayag sa karagatang sakop ng Batangas.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), bago mag-alas-6:00 ngayong gabi nang sumiklab ang apoy sa M/V Asia Philippines na pag-aari ng Starlight Shipping.

82 katao ang sakay ng barko na kinabibilangan ng 34 crew at 48 na pasahero.


May lulan din itong16 na sasakyan.

39 katao na ang nasasagip ng PCG Batangas kabilang ang isang sugatan na 44-taong gulang na babae na isinugod na sa pagamutan.

Patuloy ang rescue operation ng PCG habang inaapula ang apoy sa barko.



Facebook Comments