Isang senador, dismayado sa hindi agad pag-anunsyo ng delay sa byahe ng mga eroplano

57

Para kay Senator Panfilo Lacson, hindi na bago ang pagkadelay sa byahe ng mga eroplano.

Pero giit ni Lacson, kailangan pa bang ilagay sa kukote ng mga kinauukulan na dapat itong ianunsyo ng maaga sa publiko.


Paliwanag ni Lacson, ito ay para hindi mainip at masayang lang ang oras ng mga pasahero sa paliparan sa paghihintay.

Paliwanag ni Lacson, bahagi ng mabuting serbisyo sa publiko na ipaalam agad kung magkakaroon delay o problema sa byahe ng mga eroplano.

Lalo na aniya ngayon na siksikan sa mga paliparan dahil sa dami ng magbanakasyon tulad sa Ninoy Aquino International Airport o Naia.

Facebook Comments

From Advertisers