Isang Senador, duda na matutupad ni Pangulong Duterte ang pangakong mabilis na byahe sa bahagi ng EDSA pagtuldok sa flight delays sa NAIA

Duda si Senator Antonio Trillanes IV na tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako nito na 5 minutong byahe mula Cubao hanggang Makati at pagtuldok sa mga flight delays sa Ninoy Aquino International Airport.

Sabi ni Trillanes, hindi pa ba tayo nadadala sa hindi pagtupad ng pangulo sa mga nauna nitong pangako tulad ng pagresolba sa ilegal na droga sa loob ng tatlong buwan.

Ang pagbibigay ng mga pangako ni Pangulong Duterte ay ikinumpara pa ni Trillanes sa pambibiktima ng budul budol gang.


Inaasahan na ni Trillanes na kapag hindi natupad ni Pangulong Duterte ang mga bagong pangako ay gagawa muli ito ng mga isyu para ilihis ang atensyon ng publiko.

Inihalimbawa ni Trillanes ang mga ginagawa nitong pag-atake sa simbahan o sa mga pari at ang pinalutang nito na mga bank accounts niya sa ibang bansa na bandang huli ay inaming imbento lamang.

Facebook Comments