Isang senador, naghayag ng lantarang suporta kay SP Chiz Escudero para sa 20th Congress

Ibinigay na ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada ang kanyang suporta kay Senate President Chiz Escudero para sa 20th Congress.

Ayon kay Estrada, naibigay niya na ang kanyang pangakong suporta kay Escudero at siya lang ang kumausap sa kanya.

Mukhang hindi na rin aniya siya kakausapin ni Senator-elect Tito Sotto III para humingi ng suporta dahil identified na siya kay Escudero.

Sinabi pa ni Estrada na sa ngayon ay hindi pa sigurado sa mga mangyayari pagdating sa usapin ng Senate leadership pero pinakamahalagang buwan ang Hulyo dahil dito nangyayari ang mga gapangan.

Gayunman, naniniwala ang mambabatas na mananatiling Senate President ng 20th Congress si Escudero.

Facebook Comments