Isang senador, pabor na habambuhay sa pwesto si Pangulong Duterte kung matutupad ang pangakong pagresolba sa trapiko at flight delays

Okay lang kay Senator Panfilo Ping Lacson na manatili sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte panghabambuhay kung matutupad ang pangako na masolusyunan ang trapiko at delay sa paliparan.

Ang tinutukoy ni Lacson ay ang pangako ni Pangulong Duterte na pagsapit ng disyembre ay aabot na lang sa limang minuto ang pagbyahe mula sa Cubao patungong Makati.

Kasama din sa pangako ni Duterte ang matuldukan sa loob ng isang buwan ang flight delays sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.


Katwiran ni Lacson, maituturing na superhuman si Pangulong Duterte kapag natupad ang nabanggit na mga pangako.

Para naman kay Senate President Tito Sotto III, maganda ang nabanggit na mga pangako ni President Duterte pero wala syang ideya kung paano ito matutupad.

Facebook Comments